Minsan ay nawalan na siya ng sasabihin, hindi lang siguro siya sanay kaya kahit na kung magkakaroon ng anyo ang mga sinasabi niya ay siguradong magmumukhang tae. Wala nang nakikinig, pero panay parin ang takbo ng malalabong argumento mula sa bibig niya. Dahil nga ba saan? Dahil sa ego.
Merong sumagot, ngunit hindi bibig ang ginamit sa pagsasalita. Nakarinig na lang kami ng sunod-sunod na putok.
Kakatapos lang magyabang ng ulan kaya medyo basa pa ‘yung kahoy na upuan doon sa lugar kung saan madalas naming tinatambayan. Nakalimutan ko ‘yung lighter sa kwarto kaya’t gumawa pa kami ng paraan para lang makapagyosi. Walang masyadong dumadaan kaya wala rin kaming masindihan.
“Napansin mo ba ‘yung babae kanina? ‘Yung panay ang tingin sa atin?” tanong ng kasama ko.
Tahimik lang kaming nakaupo nang bigla nanaman siyang nagsalita. Tinanong niya ako kung bakit ‘yung spacebar lang raw ang tanging walang sulat sa keyboard. Hindi ako sumagot. Tinitigan ko lang siya kasama ng aking mukhang walang karea-reaksyon. Pagkatapos ay niyaya niya akong uminom.
(Source: the-cunning-linguist)
Libangin natin ang mga sarili natin, tapos magkunwari tayong forum ito.
(Source: topit.me)
Ngayon lang ako natuwa sa pagiging unemployed.